Wednesday, June 5, 2013

Independent films tampok sa Sine ko 5ingko: Indie ‘Totuwing Sabado ng gabi

Ipinakilala ng TV5 ang isang bagong pagtatanghal sa telebisyon, ang mga independepent movies sa telebisyon, ang Sine Ko 5ingko: Indie 'To.

Ngayong Sabado, June 8, ang pelikula ni Mel Chionglo na Bente ang mapapanood. Sina Richard Gomez, Iza Calzado at Jinggoy Estrada ang starring sa drama-thriller. Sa susunod na Sabado, si Paolo Contis naman ang bibida bilang isang culinary chef na nag-aral abroad ngunit sa pag-uwi niya ay haharapin niya ang isang hamon ng buhay sa Litsonero.

Premiering sa June 22 ang Manila, isang 2-in-one movie na nagbibigay parangal sa magagaling na direktor ng Pilipinas – sina Lino Brocka at Ishmael Bernael. Tampok si Piolo Pascual at kasama niya sila Rosanna Roces, Jay Manalo at Alessandra de Rossi. At sa pagtatapos ng June, ang pelikulang Fuschia ang ipapalabas kung saan tampok sina Gloria Romero, Armida Siguion-Reyna, Robert Arevalo at Eddie Garcia.

Ang Sine Ko 5ingko: Indie 'To ay mapapanood tuwing Sabado simula 9PM sa TV5.

0 comments:

Post a Comment