Sunday, June 2, 2013

Grand transformation ni Eula sa Cassandra, mapapanood na!

Tiyak na matutuwa ang fans ng Casandra: Warrior Angel dahil mapapanood na rin nila sa wakas ang pinakaaabangang grand transformation ni Eula Caballero. Ngayong linggo, magdiriwang ng ika-18th birthday si Cassandra at dito ay bibigyan siya ng isang mahiwagang kuwintas ni Gabriel (JC de Vera) na tutulong upang maging isa siyang ganap na Warrior Angel.

Kukumbinsihin naman  ni Azrael (Gabby Concepcion) si Larissa (Eula Valdes) na isa siyang maligno at mag uumpisa na ang dating babaylan na magsanay sa pakikipaglaban.

Pagkatapos ng isang matinding trahedya, tuluyan ng lalabas ang pagkamaligno ang panganay ni Larissa na si Cristoff (Alwyn Uytingco). Ang bunso naman na si Calix (Josh Stangeland) ay magiging ganap ng healer dahil sa kanyang kapangyarihan na magpagaling ng kahit anong sakit. Gagamitin ng ama-amahan ni Calix na si Dado (Mon Confiado) sa masamang paraan ang kakayahan nito.

Patuloy na subaybayan ang kapanapanabik na pangyayari sa pampamilyang fantaserye ng TV5 ang Casandra: Warrior Angel gabi-gabi 7:00PM.

0 comments:

Post a Comment