Friday, June 21, 2013

Charice, namangha sa mga contestant ng Talentadong Pinoy

Bumisita kamakailan ang kontrobersyal na international singing sensation na si Charice Pempengco sa set ng Talentadong Pinoy Worldwide. Si Charice ang special celebrity Talent Scout ngayong Linggo. Namangha si Charice sa galing ng mga contestants na sumali. Tulad nito, world class din kasi ang mga pambato ng sikat na talent show ng Kapatid Network. Dapat din abangan ang kulitan na naganap sa set, lalo pa at kasama ni Charice sa panel sina Tuesday Vargas at Direk Joey Reyes. Huwag palampasin ang kapanapanabik na episode na ito ng Talentadong Pinoy Worldwide. Mapapanood sa Linggo, June 23, 7:30PM sa TV5.  

0 comments:

Post a Comment