Friday, April 19, 2013

Victor at Krista ng 'Boracay Bodies,' Nagkakamabutihan na ba?

Mukhang mahilig sa tall, dark and handsome ang "mysterious" girl na si Krista Miller. Ito kaya ang dahilan kung bakit madalas silang makitang magkasama ng aktor na si Victor Silayan sa Boracay? Habang naglilibot ang mga party people na sina Ethel, Brent Javier, Luke Jickain, Helga Krapf, Joross Gamboa at Wendy Valdez, bigla na lamang daw humiwalay sina Krista at Victor. Sa unang araw pa lang nila sa isla ay nagpabili na ang dalaga ng poncho sa binata na ikinagulat ng lahat. Kung ganitong nagreregaluhan na, nagkakagustuhan na nga kaya sila? 

Tutukan ang mas lumalalim na samahan ng mga party people at wag palalampasin ang mas umiinit na eksena at ang kani-kanilang reaksyon sa body shots challenge sa Boracay Bodies ngayong Sabado, 9:00PM sa TV5.

0 comments:

Post a Comment